Huwebes, Marso 2, 2017


Kabanata I . Sa Kubyerta 


                                                   
                      Matutunghayan sa kabanatang ito ang hindi pagkakaroon ng pantay-pantay na kalagayan sa Bapor Tabo. Ang mga mahihirap ay nasa ibaba ng kubyerta kung saan mainit, masikip at mahirap ang kondisyon, habang  ang mga mayayaman ay nasa itaas ng kubyerta na nalililiman ng lona upang hindi mainitan ng araw at nakaupo ng maginhawang silyon. At dito rin natin makikita ang tatag, tapang at makapangyarihan si Simoun na walang takot salungatin ng mga prayle at dito rin matunghayan na may mga taong habang kaharap at kausap ang ito'y kanilang pinupuri subalit kapag sila ay nakatalikod ito'y kanilang kinakagat kumbaga ay nagkunwaring mabait o kakampi.


Tauhan

Simoun - Napakayamang mag-aalahas na walang takot salungatin ang mga prayle at ang maghahasik ng rebolusyon
Kapitan Heneral - Pinakamataas na pinuno ng pamahalaan na hinirang sa Espanya
Padre Salvi - Siya ay mapag-isip na paring pransiskano na iginagalang ng iba niyang kasamahang prayle
Donya Victorina - Inaalimura, tinutuligsa at itinatakwil ang mga indiong kanyang kalipi

Suliranin

        Ang suliranin po dito ay ang hindi pagkakaroon ng pantay-pantay nang kalagayan sa mahihirap at sa mga mayayaman. dahil tinutuonan ng pansin sa bapor tabo na ito ay ang mga mayayaman lamang. Kapag ikaw ay mayaman doon ka sa maganda at komportable na hindi naiinitan.

Isyung Panlipunan

    Ang isyu dito ay ang pagkakaroon ng diskriminasyon sa mga mahihiap dahil hindi nila binibigyan ng pansin ang mga  mahihirap dahil tanging mga mayayaman lamang ang nakaupo ng maginhawang silyon.


Gintong Aral

   Dapat pantay-pantay ang pag trato natin sa mga tao dahil hinggil sa aking kaalaman na bawat tao ay may pantay-pantay na karapatan tayong lahat ay binibigyan upang lahat ay may pantay-pantay na pamumuhay sa mundo.